You are here: HomeNews UpdateInternational News7 NoKor officials dumagdag sa blacklisted ng U.S.

7 NoKor officials dumagdag sa blacklisted ng U.S.

By  Posted in International News Thursday, 12 January 2017 09:05

Dinagdag ng US Treasury Department ang pitong senior North Korean officials kabilang na ang kapatid na babae ng Kim Jong Un na si Kim Yo Jong sa listahan ng blacklisted dahil sa pang-aabuso sa karapatang pantao ng komunistang bansa.

 

Batay sa Office of Foreign Assets Control, anim na lalaki at isang babae ang dumagdag sa kanilang humahabang listahan na pawang lahat ay opisyal ng gobyerno ng Democratic People's Republic of Korea.

 

Sinabi ni John Smith, acting OFAC director layon nilang ilantad sa publiko ang mga indibidwal na responsable sa mga pang-aabuso.

 

Kaugnay nito ay tinawag rin ng US State Department na "worst" o pinakamalala ang nangyayaring pang-aabuso sa human rights sa Hilagang Korea.

 

Binigyang-diin ng State Department na patuloy na umiiral ang extrajudicial killings, enforced disappearances, arbitrary arrest and detention, forced labour at torture sa Pyongyang.

 

Karamihan sa mga pang-aabusong ito ay nangyayari sa political prison camps kung saan tinatayang nasa 80,000 hanggang sa 120,000 na katao ang nakakulong.

Read 147 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.