You are here: HomeNews UpdateInternational NewsObama sa Americans sa farewell speech: 'Been an Honour to Serve You'

Obama sa Americans sa farewell speech: 'Been an Honour to Serve You'

By  Posted in International News Wednesday, 11 January 2017 14:06

CHICAGO - Naging bittersweet ang huling talumpati ni outgoing US President Barack Obama kasabay ng pagbabalik tanaw sa kanyang iiwang legacy sa White House sa loob ng walong taong panunungkulan bilang commader-in-chief ng pinakamakapangyariyang bansa sa buong mundo.

 

Sa kanyang farewell speech, hinimok ni Obama na manatiling positibo ang mga Americans sa magiging hinaharap ng US gayong nalalapit na ang pormal na pag-upo ni President-elect Donald Trump.

 

Ginanap ang huling talumpati ng outgoing 44th president ng US sa McCormick place Convention Centre sa kanyang hometown sa Chicago.

 

Dito ay nagkaroon ng reunion ang mga Obama loyalist, mga dati at kasalukuyang staff sa White House na naging katuwang ng outgoing president sa loob ng kanyang dalawang termino.

 

Sa naturang speech, ibinida ni Obama ang kanyang mga top policy achievements magmula sa isyu ng healthcare, rule of law, climate change, laban kontra sa terorismo at regulasyon sa nuclear deal ng Iran.

 

Ipinagmalaki nito na sa kanyang administration napatay ang Al-Qaeda leader na si Osama Bin Laden gayudin ang libo-libong mga terorista.

 

"We have taken out tens of thousands of terrorists including Bin laden. The global coalition we’re leading against ISIL has taken out their leaders, and taken away about half their territory," wika ni Obama.

 

Hinimok din nito ang mga supporters na patuloy na manindigan at ipaglaban ang isyu sa environment, gay rights at economic equality.

 

Pinasalamatan din ng sitting president ang libo-libo niyang mga supporters na naniwala sa kanyang mensahe ng pinalaganap na power of change na kanyang ikinampanya sa pagkapangulo noong 2008.

 

Ang naturang biyahe ni Obama paalis ng Washington D.C ang kanyang ika-445th trip gamit ang presidential aircraft.

 

Labing isang araw bago ang inagursyon ni Trump, tiniyak ni Obama ang pagkakaroon ng mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan gaya raw ng ibinigay sa kanya ni dating Republican President George W Bush.

 

Samantala bagamat walang binanggit na pangalan ay nagpasiring din ito kay incoming president Trump pagdating sa plano nitong pag-ban sa Muslim immigration sa Estados Unidos.

 

Kinontra ni Obama ang diskriminasyon laban sa mga Muslim bagay na pinaboran at umani ni hiyawan sa nasa halos 20,000 na audience ng kanyang farewell speech.

 

Binigyan din ng tribute ng outgoing president si Vice President Joe Biden na aniya'y kanyang itinuturing na kapatid at para na ring isang pamilya.

 

Emosyunal din si Obama sa pagbibigay tribute sa first family partikular na kay First Lady Michalle Obama at sa kanilang mga anak ukol sa lahat ng sakripisyo na ginawa nito.

 

Samantala pinuri ni Barack si Michelle sa naging role niya kung saan ginawa niya raw lugar ang White House na lugar na handang tumanggap sa lahat.

 

Sa huli ay sinabi ni Obama na isang malaking karangalan sa kanyang buhay ang pagsilbihan ang mga kababayan bilang commader-in-chief ng Estados Unidos kasama ang kanyang campaign slogan na "Yes We Can".

 

Pagtitiyak nito na patuloy pa rin siyang aantabay kahit na isang pangkaraniwan na mamamayan na lang.

Read 123 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.