You are here: HomeNews UpdateInternational NewsUS accusation sa election hacking, nakakaumay na - Russia

US accusation sa election hacking, nakakaumay na - Russia

By  Posted in International News Tuesday, 10 January 2017 14:18

MOSCOW - Wala umanong balak si Russian President Vladimir Putin na basahin pa ang intelligence report na inilabas ng Amerika kaugnay sa pakikialam ng Russia sa ginanap na US presidential election.

 

Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, nauumay na ang Moscow sa akusasyong ito ng Estados Unidos.

 

Sa inilabas kasing intelligence report ng US, mismo raw si Putin ang nag-utos ng cyber campaign para tulungan si President-elect Donald Trump na manalo laban kay Hillary Clinton.

 

Pero ayon kay Peskov, wala naman daw bagong ebidensiya na inilabas ang US na magpapatunay na nakialam ang mga opisyal ng Russia sa halalan sa Amerika.

 

Hindi aniya pinagkaabalahang basahin ni Putin ang inilabas na report ng Estados Unidos.

 

Dagdag pa ng Kremlin, political witch-hunt lang ang ginagawa ng US.

 

"We are observing a serious fatigue with these accusations," ani Peskov. "It truly is reminiscent of a witch-hunt." (Reuters)

Read 113 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.