You are here: HomeNews UpdateInternational NewsTrump tinawag na 'stupid' ang mga kontra sa pakikipagkaibigan ng US sa Russia

Trump tinawag na 'stupid' ang mga kontra sa pakikipagkaibigan ng US sa Russia

By  Bombo Jovino Galang Posted in International News Sunday, 08 January 2017 05:25

Binatikos ni President-elect Donald Trump ang kaniyang kritiko na kumokontra sa pakikipag-alyansa niya sa Russia.


Sa kaniyang Twitter account, tinawag ni Trump na mga 'stupid' ang sinumang nagsasabing masama ang pakikipagkaibigan sa Russia.


Dagdag pa nito na kapag ito ay nakaupo na ay tataas pa lalo ang respeto ng Russia sa US kumpara sa pagtingin nila dati.


Tiniyak nito na kapwa magtutulungan ang dalawang bansa para resolbahin ang anumang problema na kinakaharap ng mundo.


Magugunitang inilabas ng US Intelligence agencies na may kinalaman ang Russia sa naganap na halalan nila.

Read 239 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.