You are here: HomeNews UpdateInternational NewsObama inakusahan ng pananabotahe kay Trump

Obama inakusahan ng pananabotahe kay Trump

By  Posted in International News Wednesday, 04 January 2017 17:14

Inakusahan ng Australian computer programmer na si Julian Assange ng tangkang pananabotahe si outgoing US president-elect Barack Obama kay president-elect Donald Trump kaugnay sa umano'y hacking issue sa nagdaang US presidential election.

 

Maliban sa pangingialam diumano ng gobyerno ng Russia sa halalan ay kontrobersyal din ang libo-libong hacked emails ng dating Democratic presidential nominee Hillary Clinton sa gitna ng kampanyahan.

 

Ipinagtanggol ni Assange ang Wikileaks na sinabing ginagamit lang daw ng administrasyon ni Obama ang vote hacking issue upang sirain ang image ni Trump bago ito pormal na manumpa bilang pangulo ng Amerika sa Enero 20.

 

Iginiit nito na nais na ipamukha raw ni Obama sa publiko na hindi umano karapat-dapat na maging presidente si Trump gayong hindi pa rin naman napatunayan ang mga alegasyon laban sa hacking na ginawa umano ng Russia.

Read 315 times Last modified on Wednesday, 04 January 2017 18:13

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.