You are here: HomeNews UpdateInternational NewsJapan at ASEAN leaders nagkasundong paigtingin ang kooperasyon vs terorismo

Japan at ASEAN leaders nagkasundong paigtingin ang kooperasyon vs terorismo

By  Posted in International News Thursday, 13 November 2014 18:36

NAY PYI TAW - Nagkasundo ang mga lider ng Japan at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na paigtingin ang kooperasyon sa kampanya laban sa terorismo.

 

Sa joint statement na inilabas ng mga lider sa ASEAN summit sa Myanmar, ang terorismo at international crime ay isang banta para sa kapayapaan at stability sa Asia-Pacific region.

 

Muling nangako ang mga lider ng ASEAN at Japan ng commitment para masugpo ang terorismo.

 

Bukod sa terorismo, nais din ng mga lider na paigtingin ang kampanya laban sa piracy at cybercrime sa rehiyon upang matiyak ang seguridad sa 2020 Summer Olympic at Paralympic Games sa Japan.

 

Sinabi ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na sasanayin ng Japan ang nasa 700 coastguard pesonnel mula sa ASEAN para pag-ibayuhin ang maritime security capability ng mga bansa sa Southeast Asia. (AFP)

Read 299 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.