46,000 minivan, pina-recall ng Honda dahil sa problema sa tailgates

NEW YORK - Pinapa-recall ngayon ng Honda ang nasa 46,000 nilang mga Odyssey minivan.

Ito ay kaugnay ng power tailgates na kapag binuksan, ay maaaring mahulog sa hindi inaasahang pagkakataon na makakapagdulot pa raw ng sugat sa sinumang mahulugan nito.

"Due to a manufacturing error by the part supplier, the gas-filled struts that hold the tailgates open can leak, reducing their ability to hold up the heavy tailgate. If the struts leak, the tailgate can suddenly drop several inches," pahayag ng tagapagsalita ng Honda.

Aware rin ang nasabing kompanya ng sasakyan sa dalawang minor injuries na naitala dulot ng pagkahulog ng tailgates.

Kabilang sa mga pinapa-recall ay yaong mga Odyssey minivan na 2008-2009 model.

Papadalhan ng sulat ang mga may-ari ng naturang car model at oobligahing magtungo sa kanilang mga dealers upang mainspeksyon at mapalitan sa lalong madaling panahon ang power tailgates ng kanilang sasakyan. (CNN)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter