Obama, muling bumirit sa White House concert

WASHINGTON - Tila pinaninindigan na ni US President Barack ang taguring "The Singing President."

Makaraang maging usap-usapan ang video ni Obama na kumanta sa kaniyang fundraising event sa makasaysayang Apollo theater sa New York, muling bumirit ang US president.

Sa pagtatapos ng blues concert na ginanap sa East Room ng White House kung saan tampok ang mga music legends at young stars, nakipag-duet si Obama sa legendary singer na si B.B. King.

Kung noon ay "Let's Stay Together" ni Al Green ang inawit ni Obama, sa pagkakataong ito, "Sweet Home Chicago" naman ang binirit ng Pangulo.

Ang blues icon na si Buddy Guy ang pumilit kay Obama na kumanta ulit.

“We were trying to get you to help us sing that because I heard you singing Al Green,” ani Guy. “So you’ve started something. You’ve got to keep it up."

Noong una ay nahihiya pa si Obama pero kalaunan ay nagpaunlak din.

“Come on… Baby don’t you want to go,” ang pag-awit ni Obama habang umiindak ang mga nanonood at pumapalakpak naman si First Lady Michelle Obama. “Oh come on, baby don’t you want to go.”

Bukod kina King at Guy, kabilang sa mga performer sina Trombone Shorty, Shemekia Copeland, Keb Mo at Jeff Beck.

Ang concert ay dinaluhan ng mga miyembro ng gabinete ni Obama at kasapi ng US Congress. (ABC)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter