Higit 100 na patay sa sagupaan ng 2 ethnic tribes sa Libya

TRIPOLI, Libya - Umaabot na sa 100 ang patay sa sagupaan ng dalawang tribu sa Libya na nasa 10 araw na.

Ayon sa report, 113 ang nasawi mula sa Toubu tribe habang 23 naman mula sa Zwai tribe simula nang sumiklab ang engkuwentro sa bayan ng Kufra.

"We are under siege since a week. Since the start of the clashes, 113 people (from our side) have been killed, including six children," ani Toubu chief Issa Abdelmajid.

Bukod dito, 241 din umano sa tribu nila ang sugatan.

Ayon sa tagapagsalita ng Kufra local council, tinutulungan umano ng mga foreign elements mula sa Chad at Sudan ang Toubu tribe.

Pero ang Toubu tribe ay umapela sa international community na mamagitan na para matapos ang karahasan. (AFP)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter