Prince William, simula ng magtrabaho sa pinag-aagawang Falkland Islands

LONDON - Dalawang araw matapos dumating sa pinag-aagawang Falkland Islands, sinimulan na ni Prince William ang trabaho nito bilang isang search and rescue helicopter pilot.

Bahagi ang Duke of Cambridge ng four-man crew sa teritoryo na binubuo ng mga sibilyan at militar.

Sa six-week tour of duty ni Flight Lieutenant Wales, makikita ang kanyang diskarte sa pagiging Sea King co-pilot, na kanya na ring naranasan sa RAF Valley sa Anglesey.

"A six-week deployment to the Falklands is routine for search and rescue pilots at this stage of their career," pahayag ng Ministry of Defence (MoD).

Sinasabing masusubukan ang tatag ni Prince William lalo't unpredictable ang panahon sa nasabing isla.

Hanggang Marso 2012 tatagal si William sa kanyang trabaho at wala muna siyang gagampanan na royal duties.

Ang Falkland Islands ay pinag-aagawan ng Gran Britanya at Argentina at ang deployment ng second in line to the throne ay ilang buwan bago ang ika-30 anibersaryo ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa naturang isla.

Simula 1833, ang Falkland Islands ay kontrolado ng United Kingdom subalit inaangkin din ng Argentina.

Noong April 2, 1982, sinalakay ng Argentina ang isla at noong June 14, isang linggo bago naipanganak si Prince William, ay sumuko ang Argentina sa Gran Britanya. (BBC)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter