You are here: HomeNews UpdateEntertainmentBb. Ph-Universe Maxine Medina, medyo stress - mentor

Bb. Ph-Universe Maxine Medina, medyo stress - mentor

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 17:21

Inamin ng mentor/manager na si Jonas Gaffud na medyo nai-stress ang pambato ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe na si Maxine Medina.

 

Ayon kay Gaffud, nagkita sila ni Medina kagabi at sinabi nito sa kanya na marami pang last minute na kailangang ihabol gaya sa mga wardrobe.

 

"Medyo na-stress lang siya nang konti kasi ang dami pang last minute na mga kailangang ihabol. Like, may mga gusto pa kaming ayusin na mga wardrobe. So, bukas (January 13) pa siya magtse-check in sa Conrad Hotel," saad nito sa isang panayam.

 

Si Jonas ang naging mentor ng Pinay Miss Universe winners na sina reigning Miss Universe Pia Wurtzbach, 2012 first runner-up Janine Tugonon, 2013 third runner-up Ariella Arida, 2011 third runer-up Shamcey Supsup, at 2010 fourth runner-up Venus Raj.

Read 136 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.