You are here: HomeNews UpdateEntertainmentAbel Iloko, handa na sa pagkilatis ng Miss U stylists sa gawang Filipiniana

Abel Iloko, handa na sa pagkilatis ng Miss U stylists sa gawang Filipiniana

By  Bombo Vigan Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 16:00

VIGAN CITY- Makukulay ang Filipiniana gown na gawang Abel Iloko ang isusuot ng mga kandidata ng 2016 Miss Universe na tampok sa fashion show sa siyudad ng Vigan sa darating na araw ng Linggo, Enero 15.

 

Ayon kay Gyan Claude "Clong Gie" Ben, miyembro ng Ilocos Sur Designers Guild at isa sa mga official designer ng fashion show, masusi at pulido ang pagkakagawa ng mga gown na naidesenyo alinsunod sa mga Filipiniana gown ni dating First Lady Imelda Marcos.

 

Dagdag ni Clong Gie, kikilatisin ng mga stylist ng Miss Universe ang kanilang mga disenyong gown sa Enero 13 na susuutin ng mga kandidata.

 

Inamin ni Clong na pressured sila lalo't alam nilang nakatutok sa kanila ang iba pang magagaling at mga sikat na designer.

 

Gayuman, nagpapasalamat ang grupo sa pribilehiyo at oportunidad na naibigay sa kanila upang maipakita raw ang kanilang kakayahan sa larangan ng pagdidisenyo.

 

Kasama ni Clong na official designer ng fashion show ay sina Eroll Reminojes, Darwin Ramirez, Eafy Sy, Jan Van Paquing at si Nicole Ann Danika Damo.

Read 89 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 17:27

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.