You are here: HomeNews UpdateEntertainmentPiolo Pascual, paalis palang daw sa 'comfort zone' ngayong 40-anyos na

Piolo Pascual, paalis palang daw sa 'comfort zone' ngayong 40-anyos na

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 14:00

Inamin ng aktor na si Piolo Pascual na marami pa pala siyang puwedeng gawin sa piniling career sa showbiz industry.

 

Pahayag ito ni Pascual kaugnay ng kanyang 40th birthday ngayong araw, January 12.

 

Ayon kay Piolo, inakala niyang mataas na ang kanyang nakamit bilang artista pero na-realize kinalaunan na totoo pala ang kasabihan na nagsisimula palang ang buhay sa edad na 40.

 

"As what they always say, 'Life begins at 40,' and I kind of feel that. I thought I've done so many things. Ang dami ko pa palang puwedeng ma-discover and part of that is being able to do something I've not done before—score more, not be too safe, not being able to care what people think or perceive about me," saad nito sa isang panayam.

 

Gusto raw nito maiba ang tingin sa kanya ng mga fans sa pagiging tahimik at mahiyaing tao.

Read 118 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 15:18

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.