You are here: HomeNews UpdateEntertainmentPag-vandalize sa 'star' ni Mariah Carey sa Walk of Fame, iniimbestigahan na

Pag-vandalize sa 'star' ni Mariah Carey sa Walk of Fame, iniimbestigahan na

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 12:58

Inaalam na ng Los Angeles Police Department (LAPD) kung sino ang suspek sa pag-vandalize sa star ng US pop diva na si Mariah Carey sa Hollywood Walk of Fame.

 

Una rito, nadiskubre na lamang umano ng Hollywood detectives ang insidente kung saan minarkahan ng question mark ang naturang Walk of Fame star ng "I Still Believe" singer.

 

"Hollywood Detectives advised the Hollywood Chamber of Commerce about the incident and advised them to file a report, which they did, and detectives are investigating where the tip came from," saad ng LAPD.

 

Natanggap ng 46-year-old diva ang nasabing bituin noong 2015 at matatagpuan sa tapat ng W Hollywood Hotel sa Hollywood Boulevard.

 

Nangyari ang insidente, ilang araw matapos ianunsyo ni Carey na mananahimik muna ito sa social media kasunod ng kontrobersyal na lip sync issue nito sa isang New Year's show. (ET)

Read 75 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 15:12

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.