You are here: HomeNews UpdateEntertainmentHigit 100 fishing boat sa GenSan, lalahok sa fluvial parade ng Santo Niño fiesta

Higit 100 fishing boat sa GenSan, lalahok sa fluvial parade ng Santo Niño fiesta

By  Bombo GenSan Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 15:08

GENERAL SANTOS CITY - All-set na ang preparasyon para sa isasagawang fluvial parade kasabay ng fiesta ng Sr. Santo Niño, na itinuturing na GenSan’s Mini Sinulog Festival sa Enero 15, araw ng Linggo.

 

Inaasahan na nasa mahigit 100 fishing boats ang lalahok sa fluvial parade matapos ang isasagawang misa.

 

Nabatid na isasakay ang imahe ni Sr. Sto. Niño sa amphibian na pagmamay-ari ng NH-Agro Industrial Corporation kung saan ito ay lilibot sa Sarangani Bay na sasabayan ng mga fishing boat at ito ay babalik sa pampublikong paliguan sa Queen Tuna Park.

 

Kasabay nito, isang araw bago ang fluvial parade, mahigpit na paalala ng Coast Guard GenSan sa mga kapitan ng barko at mga operators ng mga bangka na bawal ang uminom ng alak.

 

Paalala rin ng ahensiya sa mga ito na sumunod sa lahat ng patakaran upang maiwasan ang trahedya sa fluvial parade.

 

Bago ito, umuwi na rin ang karamihan sa mga mangingisda mula sa laot para lumahok sa fluvial parade at makikilahok na rin sa itinuturing na pinakakilalang taunang piyesta ng Sr. Santo Niño sa Brgy. Bula, GenSan.

Read 68 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.