You are here: HomeNews UpdateEntertainmentDOT kinansela na ang national costume show ng Miss U candidates

DOT kinansela na ang national costume show ng Miss U candidates

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 12:33

Tuluyan ng kinansela ng Department of Tourism ang sana'y inaabangang national costume show ng mga kandidata ng Miss Universe.

 

Paliwanag ni Tourism Undersecretary Kat De Castro, hindi na lang nila ito itinuloy dahil sa pagsulpot ng maraming isyu kabilang na ang gastusin at timing sa fully booked na schedule ng mga kandidata.

 

Matatandaan na original plan sana ng DOT na magkaroon ng national costume festival sa World Trade Center sa January 24 kung saan tiniyak pa nito na abot kaya ang magiging tickets nito para sa mga Miss Universe fans na aabot lang daw sa P500 ang pinakamura.

 

Ngayong hindi na hiwalay na event ay isasama na lang ang national costume presentation sa preliminaries ng Miss Universe.

Read 118 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 12:40

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.