You are here: HomeNews UpdateEntertainmentParis Jackson nasusuka sa pagganap ni Joseph Fiennes bilang King of Pop

Paris Jackson nasusuka sa pagganap ni Joseph Fiennes bilang King of Pop

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 10:48
Joseph Fiennes portrayal Joseph Fiennes portrayal

Inamin ni Paris Jackson na labis siyang nasaktan kasunod ng pagganap ng British actor na si Joseph Fiennes sa namayapang ama na  King of Pop sa isang television film.

 

Nag-ugat ito sa unang trailer na nilabas kung saan bumida si Joseph bilang si Michael na makikitang wala naman halos na pagkakahawig.

 

Una ng nagpahayag ng kani-kanilang mga saloobin ang iba pang miyembro ng Jackson family kaugnay sa kontrobersyal na role ng "Shakespeare in Love" actor na sinabing malaking pambabastos ito.

 

"Unfortunately, this is what my family has to deal with. No words could express the blatant disrespect," wika ni Taj Jackson.

 

Ayon sa 18-year-old daughter ng anak ni Michael ay nasusuka siya sa ginawang pang-iinsulto sa kanyang ama.


“I’m so incredibly offended by it, as i’m sure plenty of people are as well, and it honestly makes me want to vomit,” wika ni Paris. “It angers me to see how obviously intentional it was for them to be this insulting, not just towards my father, but my godmother liz as well,” dagdag pa nito.

 

Sentro nito ang sinasabing nangyaring roadtrip sa America ng "Smooth Criminal" hitmaker kasama sina with Elizabeth Taylor at Marlon Brando matapos ang 9/11 attack.

 

Samu't saring batikos rin mula sa mga fans ng King of Pop ang inaani nito ngayon sa social media.

 

Ikinaagagalit ng ilan na bakit daw white man ang gumanap kay Jackson gayong ito ay black.

Read 101 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.