You are here: HomeNews UpdateEntertainmentNicole Kidman sa Trump presidency: 'Americans need to support him'

Nicole Kidman sa Trump presidency: 'Americans need to support him'

By  Posted in Entertainment Thursday, 12 January 2017 09:49
Nicole Kidman Nicole Kidman Photo by: Getty Images

Umapela ang Oscar-winning actress na si Nicole Kidman sa mga Americans na suportahan si US President-elect Donald Trump.

 

Pahayag ito ni Nicole kasunod ng kontrobersyal na pagtuligsa ng legendary actress na si Meryl Streep kay Trump noong nakalipas na Golden Globe Awards.

 

Iginiit ng "Moulin Rouge" actress ng bilang mga mamamayan ng isang bansa ay kailangan suportahan nila sinuman daw ang mahalal na pangulo.

 

“[Trump is] now elected and we, as a country, need to support whoever is the president,” sambit ni Kidman.

 

“That is what the country is based on. And however that happened, it happened, and let’s go," paghihikayat pa nito.

 

Si Nicole ay may dual citizenship na US at Australian.

 

Ipinanganak siya sa Hawaii na ngayon ay nakatira sa estado ng Nashville kasama ang country music superstar husband na si Keith Urban at dalawang anak.

 

Noong nagdaang US presidential election ay proud bumoto ang Australian couple bagamat hindi na isinapubliko kung sino ang kanilang binoto sa pagitan ng Democratic Hillary Clinton o ang Repulican billionaire na si Trump.

Read 99 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.