You are here: HomeNews UpdateEntertainmentLatest NewsRayver Cruz, Sunshine Garcia at iba pa nakisaya sa Ati-Atihan sa Kalibo

Rayver Cruz, Sunshine Garcia at iba pa nakisaya sa Ati-Atihan sa Kalibo

By  Bombo Radyo Kalibo Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:54

KALIBO, Aklan - Sa kabila ng maulan na panahon, todo hataw ang mga artistang nag-perform sa iba’t ibang mga shows sa selebrasyon ng Ati-Atihan festival.

 

Maliban sa magkatambal na sina Julie Anne San Jose at Martin del Rosario na nagpasaya sa mga fans sa Kalibo Pastrana Park nandoon din sina Rayver Cruz at Sunshine Garcia sa Ati-Atihan ng Ibajay.

 

Nauna rito, nag-perform din si James Wright sa coronation night ng Mutya ng Kalibo Ati-Atihan pageant.

 

Sa kabilang dako, bumuhos din ang mga fans ng Sponge Cola kasama ang frontman na si Yael Yuson sa Hala Bira nights sa Kalibo Magsaysay Park.

 

Ngayong gabi ay hahataw din ang Pinoy rock band na Rocksteddy kasama si Teddy Corpuz at sa mga susunod na gabi ay ang bandang Sandwich, Hilera at Nuno sa Punso.

 

Maliban sa mga live performances ng mga sikat na banda ay dinayo rin ang selebrasyon ng mga kilalang DJs.

Read 152 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:57

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.