You are here: HomeNews UpdateEntertainmentNetizens, Pinay beauty queens, nagbunyi sa 5th Miss International title ng Phl

Netizens, Pinay beauty queens, nagbunyi sa 5th Miss International title ng Phl

By  Posted in Entertainment Wednesday, 18 December 2013 08:24

Ilang oras matapos ang coronation night, wala pa ring tigil ang buhos ng mga pagbati para kay Bea Rose Santiago matapos masungkit ang ika-limang Miss International title para sa Pilipinas.

 

Maliban sa mga netizens, nangunguna rin sa pagbunyi sa tagumpay ng Pilipinas ang mga kapwa beauty queens ni Santiago.

 

Kabilang dito si Precious Lara Quigaman na siyang pinakahuling Pinay bago kay Bea na kinoronahang Miss International noong 2005.

 

Nagpasalamat si 2010 Miss Universe fourth runner-up Maria Venus Raj sa panalo ni Santiago na maituturing daw na blessing, sa kabila ng mga naranasang kalamidad at trahedya ng mga Pinoy.

 

Ayon naman kay 2012 Miss Universe first runner-up Janine Marie Tugonon, talagang kasiyahan sa nalalapit na Pasko ang ibinigay ni Santiago sa mga Pinoy.

 

Sinabi ni 2013 Miss Universe third runner-up Ariela Arida, proud ang buong bansa sa panalo ni Bea Rose.

 

Sa official statement ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated, nakasaad na ipinamalas ni Bea ang kakaiba at natatanging ganda ng mga Pinay sa buong mundo.

 

Narito ang mga pagbati ng ilang beauty queens:

 

Janine Mari Tugonon @janine_tugonon
"Congrats @bearose21 !!! You just brought joy, honor and pride to the Filipinos!! God bless your reign !!"

 

(Miss Earth Top 8) Angelee delos Reyes @angelee_dreyes
"Congratulations to the newly crowned Miss International 2013, @Bea Rose Santiago! Your success is our success. My wish right after my pageant was then granted! Congratulations Philippines! Congratulations Kagandahang Flores!!!"

 

lara alcaraz @laraquigaman
"Thank you Bea! Mabuhay ang Pilipinas! To God be the glory!"

 

Maria Venus Raj @MariaaVenusRaj 8h
"Congratulations to Bea Rose Santiago our newest Miss International, despite the tradegies our country experienced yet we are blessed"

 

Sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang 23-year-old beauty queen na tubong Masbate na siya ang tinanghal bilang Miss International para sa taong 2013.

 

Gayunman ay todo pasasalamat pa rin sa suporta ng mga Pinoy kung saan din niya inalay ang tagumpay.

 

Nag-post pa ito ng larawan ng kanyang Miss International sash at crown, kalakip ang caption na "still shocked."

 

"Still shockeddddd! http://instagram.com/p/iB1A2PNeEh/"

 

Nangibabaw ang ganda at talino ng Filipina beauty queen mula sa 68 contestants ng pageant ngayong taon.

 

Una ng sinabi ni Bea sa panayam ng Bombo Radyo na gusto niyang mabigyan ng maligayang Pasko ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-uwi ng Miss International crown.

 

Noong nakaraang linggo ay personal na nakakuha ng goodluck message si Bea kay Pangulong Noynoy Aquino na nagkataong nasa Japan din dahil sa isang commemorative summit.

 

Sa interview portion, sinagot ng mga finalists ang tanong kung ano ang gagawin kapag sila ang kokoronahang Miss International.

 

"The whole world saw how my country suffered. One by one, other countries helped. You have opened my heart and eyes on what we can do to help each other. If I win the crown, I will help promote camaraderie among countries. I will work to sustain the spirit of sympathy and spirit of hope. As long as we work together, there is hope," sagot ng Miss Philippines.

 

Sa ngayon pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming Miss International title na may lima habang nangunguna naman ang Venezuela na may anim.

 

Nanalo ang Pinay beauty queens sa nasabing pageant noong 1964 (Gemma Cruz-Araneta), 1970 (Aurora Pijuan), 1979 (Melanie Marquez), at 2005 (Precious Lara Quigaman).

 

Samantala, tinanghal naman na first runner-up si Miss Netherlands at second runner-up ang pambato ng New Zealand.

 

Nakuha ng pambato ng Aruba ang Best in National Costume Award habang Miss Friendship si Miss New Zealand.

 

Miss Internet ang kandidata ng Macau at Miss Photogenic naman si Miss Lithuania.

 

Ipinanganak si Bea sa Muntinlupa City, ngunit lumaki sa lalawigan ng Masbate. Lumipat ito kasama ang pamilya sa Canada pagsapit ng 16-anyos kung saan siya na-discover bilang modelo at nagtrabaho bilang sales associate sa ilang marketing companies.

 

Ang Miss International pageant ang huling major beauty contest ngayong taon, kung saan mataas ang naging expectation sa ating kandidata para masundan ang Miss World win ni Megan Young, Miss Supranational ni Mutya Johanna Datul, Miss Universe third runner-up ni Ariella Arida at Top 8 finish ng bansa sa Miss Earth.

 

Layon ng Miss International beauty pageant na maikampanya ang goodwill at cultural understanding sa buong mundo at pinopondohan nito ang United Nations Children's Fund (UNICEF).

Read 766 times Last modified on Wednesday, 18 December 2013 08:33

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.