Ilang lugar sa Maynila, sarado dahil sa shooting ng 'Bourne Legacy'

Isang araw matapos mag-courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino, balik na uli sa shooting ang crew at cast ng Hollywood film na "Bourne Legacy."

Kasabay nito ay nag-abiso ang MMDA na sarado sa traffic ngayong araw ang Riverside Drive ng Muelle del Rio St, Postal Road sa Intramuros Manila.

Sa araw ng Linggo Feb. 26, inaasahang matatapos ang shooting ng "Bourne Legacy" sa bansa na nagsimula noong January 11.

Kahapon sa Palasyo ng Malacañang ay nakadaupang palad ni P-Noy ang Bourne lead actor na si Jeremy Renner kung saan nag-barong tagalog pa ito na tinernuhan ng cargo pants.

Nauna ng umalis ng bansa ang lead actress na si Rachel Weisz.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter