Jason Francisco, tiwalang 'di forever ang break-up nila ni Melai

Hindi basta-basta isusuko ng comedian actor na si Jason Francisco ang halos dalawang taong relasyon nila ni Melai Cantiveros, isa ring komedyante.

Ito'y matapos kumpirmahin ni Melai na hiwalay na nga sila ni Jason na dahil lamang sa simpleng tampuhan.

Sinasabing nakalimutan kasi ni Jason na yayain sa lakad nito si Melai na siyang ugat ng kanilang tampuhan.

Ayon kay Jason, maaaring hiwalay nga sila ngayon ng dating nobya pero tiwalang hindi naman ito tatagal habangbuhay.

"In-explain ko naman sa kanya na minsan ay gusto ko ding mag-isa kasi may iniisip ako para sa amin. So na-feel niya yata nanlalamig ako sa kanya o wala na akong feelings.. Hindi ako nagso-sorry sa kanya so gusto niya lang akong mag-sorry. Ako naman ayaw kong mag-sorry kasi wala naman akong kasalanan," ani Jason.

Una rito, nadawit ang pangalan ng aktres na si Kaye Abad sa umano'y pagkakalabuan nina Cantiveros at Francisco.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter