Jeremy Renner ng 'Bourne Legacy' at P-Noy, nag-exchange gifts

Nag-courtesy call sa Malacañang ngayong umaga ang casts at crews ng Hollywood film na "The Bourne Legacy."

Kasama ng bidang si Jeremy Renner ang executive producer ng pelikula na si Patrick Crowley at iba pang crews.

Hindi naman nakasama sina Rachel Weisz na noong nakaraang linggo pa umalis ng Pilipinas, at Edward Norton.

Nag-exchange gift sina Renner at Pangulong Noynoy Aquino.

Binigyan ni Renner si Aquino ng limang DVDs ng mga pelikula ng aktor habang assorted chocolates naman ang ibinigay ng Pangulo.

Dumating din ang ilang cabinet secretaries ni Aquino kagaya nina Communications Sec. Ricky Carandang, MMDA Chairman Francis Tolentino at Tourism Sec. Ramon Jimenez.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter