Fashion designers, may face off din sa Oscar Awards

LOS ANGELES - Hindi lamang malalaking pelikula at celebrities ang tampok sa taunang Oscar Awards kungdi maging ang pabonggahan ng suot sa pagrampa sa red carpet.

Ang Oscar Awards ay mistulang face off din ng mga celebrity designers.

Ayon sa designer na si Marc Bouwer, ang Oscars ang pinakamalaking fashion show sa mundo at ngayong taon, hottest trend umano ang mga makukulay na gown na nagpapakita ng balat pero classic na nagsasalamin sa Golden Hollywood era.

Bagama't inaabangan si Angelina Jolie, mga bagong fashion naman ang interes kina Rooney Mara at Viola Davis na kapwa nominadong best actress.

Sinabi naman ng designer na si David Meister na ang Oscars ay gabi kung saan nakatutok din ang mata ng mga cosmetic at jewelry companies.

Kung sa ibang awards night aniya ay marami ang pumili ng gowns na mahahaba ang sleeves, sa prestihiyosong Oscars ay lulutang daw ang sex appeal ng naglalakihang celebrities kaya asahan ang mga gowns na "bare back" at plunging neckline.

Nakikita naman ni Bouwer na white, ivory at silver ang karamihan sa designer gowns na paparada sa red carpet. (Reuters)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter