Actress Zooey Deschanel, bagong idini-date ni Russell Brand - report

LOS ANGELES - Bagama't may isang buwan pa lamang mula nang makumpirma ang kanilang paghihiwalay, may bago na umanong idini-date ang dating mister ni Katy Perry na si Russell Brand.

Batay sa impormasyon, ang American actress na si Zooey Deschanel ang apple of the eye ngayon ng comedian actor.

Sinasabing kakahiwalay lang din ni Deschanel sa kanyang mister noong mga panahong nagkakalabuan na sina Perry at Brand.

Dagdag pa ng source, nagsimula ng padalhan ni Brand ng "flirty" texts ang bagong babae sa buhay nito.

Una ng naiulat na mayroon na ring someone new ang "Firework" singer, maliban pa sa ex-boyfriend nito na nag-comfort sa kanya nang maghiwalay sila ni Russell. (digitalspy)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter