Grace Lee, may makahulugang sagot kung may pag-asa ba si P-Noy

Aminado si Grace Lee, ang bagong dine-date ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III, na hati ang kaniyang reaksyon sa pag-amin ng Pangulo sa estado ng kanilang relasyon.

Ayon sa TV host, nasorpresa talaga ito nang inamin ng Pangulo na sila'y nagde-date.

Umaasa raw kasi si Grace na mas mahaba ang pribadong time nila ng Pangulo na mas magkakilala pa dahil noong Enero lang naman sila nagsimulang mag-date.

Pero naiintindihan naman daw niya na pagpapakita ng respeto ni Aquino ang pag-amin.

Ngayong nakilala na ang ibang kapatid ng kaniyang manliligaw, inihayag ng TV host na gusto rin niyang makilala si Kris Aquino.

Una nang itinanggi ni Lee na nakipag-date siya noon sa dating mister ni Kris na si James Yap kaya hindi siya takot humarap sa Presidential sister.

Samantala, makahulugan naman ang naging sagot ni Grace nang matanong kung may pag-asa ba ang Presidente.

Ayon sa dalaga, hindi niya sasayangin ang oras ng Pangulo kung hindi siya nag-i-enjoy na kasama ito pero maaga pa raw para sabihin kung sasagutin na niya ang Pangulong Aquino.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter