A. Rama: 'Di na kami magkakasundo ni Nadia kahit may mediation

Sarado na ang kontrobersyal na talent manager na si Anabelle Rama, sa anumang posibilidad na magkakaayos pa sila ng dating kaibigan na si Nadia Montenegro.

Ito ang reaksyon ni Rama sa plano ng korte na magkaroon ng mediation sa pagitan ng dalawa matapos na magbatuhan ang mga ito ng kaliwa't kanang kaso.

Ayon sa talent manager, hindi na sila magkakaayos kahit may mediation.

Sinira na raw ni Nadia ang kaniyang pangalan kaya wala siyang balak makipag-ayos.

Tiniyak pa ni Anabelle na hindi nito bibitawan ang kontrata ng mga anak ni Montenegro na siyang dahilan kung bakit kinasuhan siya ni Nadia.

Itinakda naman sa February 6 ang susunod na pagdinig sa kaso ng dalawa.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo, usap-usapan ang pagwawala ni Anabelle sa San Juan City Prosecutor's Office sa tindi ng galit nito kay Nadia na kaniyang inaakusahang sinungaling.

Bilang ganti ay nagsampa si Nadia ng panibagong kaso, kasama ang attempted murder, pero hindi natinag si Anabelle Rama.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter