Maxene Magalona sa sintunadong pag-awit: Kakanta ulit ako

Tinatawanan na lamang umano ni Maxene Magalona ang mga ibinabatong batikos at kritisismo laban sa kaniya, matapos ang sintunado niyang performance sa isang variety show.

Napag-alaman na nag-trending topic kaagad sa microblogging site na Twitter si Maxene at napabilang pa sa top searches sa web engine na Yahoo habang marami ang nang-aasar kung magkakaroon ng recording album ang panganay ng yumaong si Francis Magalona.

Sa kabila ng batikos ay buo rin ang suporta kay Maxene ng kaniyang mga kaibigan at pamilya.

Ayon sa aktres, kung buhay lang ang tatay niya na isang magaling na singer, pinagtawanan na siya.

Pero nagamit din umano niya sa nasabing sitwasyon ang natutunan niya sa ama na "the show must go on" kahit anong mangyari.

Sa lahat aniya sila, siya ang hindi marunong kumanta at nang panahong iyon hindi siya nakapag-rehearse ng maayos.

Gayunpaman, may ipinagpapasalamat pa rin daw siya dahil napansin umano siya sa sintunado niyang kanta.

Pero sa kabila ng mga kritisismo, inihayag ni Maxene na kakanta pa rin siya.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter