Actor Eddie Murphy: Buhay pa ako

LOS ANGELES - Ang Hollywood actor na si Eddie Murphy ang panibagong nadagdag sa listahan ng mga celebrities na nabiktima ng pagpapakalat ng pekeng impormasyon sa internet.

Naging laman ng internet ang mga balitang diumano'y patay na ang "Dreamgirls" star.

Subalit mismong si Murphy ang nagsabing buhay pa ito.

Ang maling impormasyon ay nagsimula sa isang website na noon pa ay nagpakalat ng mga balita ukol sa namatay na celebrities na hindi naman totoo.

Ilan sa nabiktima ng nasabing website ay sina Bon Jovi, Charlie Sheen, Adam Sandler, George Clooney, Kevin Bacon, Tiger Woods, Will Smith at marami pang iba. (TMZ) 


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter