Robin Padilla, gustong may torrid kissing sila ni Kris Aquino

Sa kabila ng kanilang nakaraan, wala raw ilangan sina Kris Aquino at Robin Padilla.

Dahil dito, humirit si Binoe na gusto nitong may torrid kissing scene sila ng dati niyang kasintahan, sa proyektong pagsasamahan nila.

Game naman dito ang TV host-actress at sinabing "puwedeng-puwede" lalo pa't ngayon ay pinal na ang annulment ng kasal nila ni James Yap.

Paglilinaw naman ni Robin, walang malisya ang hiling niyang torrid kissing.

Noon daw kasi ay bawal ito kapag nagkasama sila sa proyekto dahil may magagalit.

Pero kung kasama lang naman aniya sa istorya ang kissing scene at hindi dahil gusto niya lang.

Mismong si Robin ang nagsabi na kapwa na sila mature ni Kris kaya hindi na umano dapat maging big deal ang nakaraan nila.

Paniniyak pa ng aktor, walang dapat ipagselos ang misis niyang si Mariel Rodriguez kung magkasama man sila sa project ni Kris Aquino.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter