You are here: HomeNews UpdateLatest NewsP54-M, lugi sa rotational brownout sa Cagayan de Oro

P54-M, lugi sa rotational brownout sa Cagayan de Oro

By  Bombo Cagayan de Oro Posted in Latest News Friday, 24 July 2015 17:00

CAGAYAN DE ORO CITY - Ipapatawag ng committee on energy ng konseho ang power generators at distributors na nakabase sa Mindanao.

 

Ito ay upang makunan ng paliwanag kung bakit biglang nagpatupad ng malawakang rotational brownout ang power distributors sa rehiyon ng Mindanao lalo sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni City Councilor Teodulfo "Bong" Lao, chairman ng Energy committee ng konseho, partikular nilang pagpapaliwanagin ay ang National Grid Corporation (NGCP), National Power Corporation-Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (NPC-PSALM), at Cagayan Electric Power and Light Company, Inc.(CEPALCO) dahil sa perwisyong naranasan ng mga residente nitong lungsod.

 

Sinabi ni Lao na labis itong nabigla nang malaman na kinukulang ng power supply ang Mindanao lalo pa't bago lamang tiniyak ng mga nabanggit na ahensya na stable na ang koryente sa rehiyon simula pa noong nakaraang linggo.

 

Una nang inamin ni Cagayan de Oro Chamber of Commerce president Engr Cerael Donggay na nasa P54 milyon ang kanilang lugi kada-araw dahil sa kasalukuyang rotational brownout sa lungsod.

 

Sinabi ni Donggay na ang nasabing halaga ng economic losses ay ibinase rin nila sa presumption ng CEPALCO kung saan sa kada-30 megawatts na power shortage, ay mawawala sa kanila ang P75.00 na kita bawat araw.

 

Napag-alaman na una nang nag-maintenance shutdown ang STEAG coal fired power plant ng Misamis Oriental at mababa rin umano ang water level ng hydro power plants ng NPC-PSALM sa Bukidnon at Lanao del Sur dahilan para nagka-power shortage ang Mindanao Grid sa mga puntong ito.

Read 99 times

 

 

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.