Reading Time: 1 minute

Arestado sa kasong murder ang isang NDF consultant dahil sa kasong murder.

Ayon kay CIDG-NCR director S/Supt. Alberto Ibay naaresto ang mga suspek habang nakasakay sa isang silver Toyota Vios sa may Barangay Niyog 3, Molino Boulevard, Bacoor, Cavite.

Nakilala ang NDF consultant na si Rey Claro Casambre at misis na si Patricia Casambre.

Si Casambre ay may kasong murder at attempted murder sa Davao Oriental.

Habang isinisilbi umano ng mga otoridad ang warrant of arrest nakuha sa posisyon ng mag-asawa ang isang cal. .45 pistol, bundle ng electronic detonating cord, fragmentation grenade, cellphone at nasa P60,000 cash.

Kasalukuyang nasa CIDG-NCRFU ang mag-asawa para sa kaukulang documentation.