Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, PCSupt. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga District Directors na linisin o idis-infect ang lahat ng mga selda sa lahat ng mga police stations.

Ito’y kasunod sa pagkamatay ng isang preso na may “flesh-eating disease.”

Sinabi ni Eleazar makikipag ugnayan ang mga district director sa mga local government officials para tulungan sila sa problema na decongestion ng mga selda.

Makikipag ugnayan din sila sa Department of Health (DOH) para tulungan sila sa mga preso na nangangailangan ng tulong medikal lalo na ang mga sakit sa balat na nakakahawa.

Sa ngayon ongoing ang imbestigasyon kaugnay sa namatay na preso na nakilalang si Gerry Baluran.