Inalmahan ng kampo ni Janet Lim Napoles ang hatol na guilty ng Sandiganbayan sa kanyang kasong plunder na may kinalaman sa issue ng pork barrel scam.
Ayon kay Atty. Stephen David, hindi kapani-paniwala ang desisyon ng 1st Division dahil hindi naman daw nagkakalayo ang mga ebidensya nina Napoles at Revilla dahil pareho lang ang kanilang kasong kinakaharap.
Hindi rin umano patas ang tila pagpabor ng korte sa isang dating opisyal na si ex-Sen. Bong Revilla, hindi gaya ng sinapit ni Napoles at isa ring akusado na si Atty. Richard Cambe.
Sina Napoles at Cambe ay pinatawan na makulong ng reclusion perpetua o hanggang maximum na 40 taon.
Iginagalang naman daw ng abogado ni Napoles ang pagpapawalang sala ng korte sa dating mambabatas dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Pero hindi umano ibig sabihin nito na isusuko na nila ang kaso ng tinaguriang pork barrel queen.
Sa ngayon inihahanda na raw ng kampo ni Napoles ang motion for reconsideration na kanilang ihahain sa anti-graft court.
Samantalang tikom ang panig ni Cambe na agad umalis sa korte matapos ang pagbaba ng sakdal.
Si Cambe ay dating chief of staff ni ex-Sen. Bong Revilla na inabswelto ng korte.
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved