CAGAYAN DE ORO CITY – Tiwala ang 4th Infantry Division (ID) Philippine Army na marami silang makukuhang impormasyon tungkol sa mga incoming activities ng New People’s Army (NPA).
Ito’y kasunod ng pagkakadakip sa isang miyembro ng Headquarters Force NEO Compac sa North Central Mindanao Regional Committee na iniwan sa naganap na engkuwentro Sitio Ulayanon, Barangay Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.
Ayon kay 4th ID spokesperson Lt. Tere Ingente, maraming ginawang rebelasyon ang suspek na si Susan Cabusao Guaynon, 22-anyos na buntis, matapos isinailalim sa karagdagang imbestigasyon.
Inamin aniya ni Susan na kasama ang kaniyang asawa sa pagpatay kay Impasug-ong Mayor Mario Okinlay noong 2014 at brutal na pag-ambush din sa tatlong sundalo sa Sitio Kaleb, Barangay Kibalabag, Malaybalay City, Bukidnon noong Pebrero 2017.
Dahil dito, naniniwala ang tropa na marami pang mga impormasyon ang kanilang makukuha sa suspek laban sa mga armadong grupo dahil sa pinapakitang kooperasyon nito.
Tiniyak din ni Ingente na ang Bombo Radyo ang unang makakaalam sa mga bagong impormasyon na kanilang makukuha sa nahuling rebelde.
Una nito, nakumpiska ng militar mula sa mga nakatakas na 39 NPA rebels ang dalawang AK47 rifles; AR18 rifle; caliber 30 M1 carbine rifle; M4 rifle; air gun; 30 backpacks na puno ng subversive documents at personal belongings.
Napag-alaman na si Guaynon ay nasugatan nang nakipagbakbakanito sa militar sa Impasug-ong noong Abril 14, 2018.
BNN Morning Edition | 04.25.2018
BNN Evening Edition | 04.24.2018
BNN Noontime Edition | 04.24.2018
BNN Morning Edition | 04.24.2018
BNN Evening Edition | 04.23.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved