Star FM Manila Bombo Radyo Iloilo Bombo Radyo Bacolod The Vote 2010 Bombo Radyo Dagupan Bombo Radyo Naga Bombo Radyo CDO Bombo Radyo Baguio

REGIONAL DIALECTS BICOLANO | CEBUANO | YBANAG | ILOKANO | ILONGGO | PANGASINAN | WARAY | OTHER DIALECTS


US$

P46.580

CAD
P43.5096   
JPY
P0.5206
EUR
 P63.5425 
UKP
P72.7011
HKD
P5.9828
SAR
P12.3990
 

2 honor guards na taga Isabela, ipinagbunyi ng pamilya
8/8/2009 5:15:36 PM

CAUAYAN CITY, Isabela - Ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang, kamag-anak at mga kabarangay si PO1 Danilo “Bong-bong”  Malab Jr. ng Sinabbaran, Echague, Isabela sa pagsisilbi bilang isa sa honor guards sa flat bed truck na naghatid sa labi ni dating Pangulong Corazon Aquino sa huling himlayan sa Manila Memorial Park noong Miyerkules.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Danilo Malab Sr., ama ni PO1 Malab, sinabi niya nagtext mismo sa kanya ang anak  na isa siya sa apat na napiling honor guards sa paghahatid kay Ginang Aquino.

Ayon sa matandang Malab, hinahangaan nila ang anak at tatlong mga kasama sapagkat hindi sila natinag sa loob ng halos siyam na oras na nakatayo sa tabi ng kabaong ng dating pangulo sa kabila ng   pagbuhos ng ulan at pagbato sa kanila ng barya ng ilang mamamayan na nadaanan ng funeral convoy.

Si PO1 Malab ay 25-anyos, panganay sa tatlong anak ng mag-asawang Danilo Malab Sr. na isang electrician at Alicia Malab na isang agriculture technician.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Criminology sa St. Ferdinand College sa Ilagan, Isabela.

Ayon sa ama nito, masigasig at masipag sa pag-aaral ang kanyang anak.

Nakapasok umano ito sa PNP noong 2008 at unang nadestino sa pulisya sa Benguet ng anim na buwan bago napunta sa Kampo Krame.

Ayon pa kay Ginoong Malab masaya at proud sila sa kanyang anak dahil sa dinami-dami ng mga pulis ay siya pa ang napiling kumatawan sa PNP na maging honor guard.

Samantala, sinabi naman ni Punong Barangay Avelino Pasuquin ng Sinabbaran, Echague na pride nila ang pagkakapili ni PO1 Malab na maging Honor Guard ng yumaong Pangulo.

Dahil sa karangalang hatid sa kanila ay pararangalan si PO1 Malab sa pista ng kanilang barangay ngayong ika-26 ng Agosto.

Samantala, taga-Panicien, Aurora, Isabela naman si Army Pfc. Class Antonio Cadiente na isa rin sa apat na honor guards.

Ipinagbunyi rin siya ng kanyang mga magulang at kamag-anak sa pagkakapili na mag-escort.

Ayon sa kanyang ama na si Francisco Cadiente na isang magsasaka, tuwang-tuwang sila ng makita ang kanyang anak sa telebisyon bilang isa sa apat na honor guards.

 
GO BACK left - HOME top
►More News
Latest NewsBesta Shipping Lines, mahihirapang makapag-renew ng prankisa - Marina
Latest NewsBomba, natagpuan malapit sa coastal area ng Legazpi City; mga residente, nabulabog
Latest NewsHIV positive sa Negros 20 na, 2 patay; lecture isasagawa sa mga call centers
Latest NewsMisis pinatay sa saksak ng mister dahil sa selos
Latest News100 empleyado ng Samar Capitol, nag-rally dahil sa 'di naibigay na bonus at benipisyo
Latest NewsKasong rebellion ng mga Ampatuan, didinggin sa Kampo Crame
Latest News3 hinihinalang holdaper, patay sa engkuwentro sa Quezon City
Latest NewsMga lumabag sa gun ban 743 na - PNP
Latest NewsPagbisita ng mga inmates sa Davao City Jail sinuspindi, kasunod ng pagpatay sa jail guard
Latest NewsCAFGU at kasamahan, sugatan sa pananambang sa Masbate


Latest NewsToyota, nagsagawa ng malawakang pag-recall sa halos 400,000 sasakyan sa buong mundo
Latest NewsP1-M na multa, ipinataw ng PBA vs Game 4 walkout ng Talk 'N Text
Latest NewsKampo ni Ping umalma sa wanted posters; PNP tracker teams, binuo
Latest NewsMalacañang, may payo sa admin candidates at sa mga botante
Latest NewsIlang probisyon sa 2010 budget, na-veto
Latest NewsWrit of habeas corpus, inihain para sa 43 missing health workers
Latest NewsAndal, Sr., 196 iba pa, isinangkot na rin sa kasong 57 counts of murder
Latest NewsMga larawang kuha ng PNP, ebidensya sa rebellion charges vs. Ampatuan
Latest News(Update) Medical student na na-rescue sa nasunog na clinic, stable na
Latest NewsComelec sa mga kandidato: 'Pag-aralan ang campaign guidelines'
Latest News'No show' ni PGMA sa campaign rally ni Gibo, huwag ng angguluhan - Lakas
Latest NewsP1.54-T budget ng gobyerno ngayong 2010, nilagdaan na ni PGMA

 
 
 
 
 

©2009 Bombo Radyo All Rights Reserved

Site Meter