TUGUEGARAO CITY – Hindi umano pinapahalagahan ng ilang botante ang kahalagahan ng voter verification paper audit trail o kanilang resibo.
Ilan lamang ito sa nakitang problema ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL )sa isinagawang “mock election” sa buong bansa kahapon.
Ayon kay Secretary General Eric Jude Alvia ng NAMFREL, hindi na binabasa ng mga botante ang resibo kung tama ang kanilang binoto sa binilang ng makina.
Bagama’t hindi naman aniya lahat ng mga presinto na pagdarausan ng halalan ay mayroong voter verification paper audit trail, ngunit kailangan pa rin daw itong bigyan ng pansin.
Bukod dito, tututukan din ng kanilang tanggapan ang pag-transfer ng mga data na isa sa mga pangunahing aberya sa mga nakalipas na halalan.
Samantala, sinabi ni Alvia na sa kabuuan, mainam ang isinagawang “mock election” dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga botante, guro at mga volunteer na maging handa sa 2019 midterm election.
BNN Morning Edition | 02.22.2019
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved