Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Labis ang pagsisisi ng 14-anyos na si alyas Jude na itinuturo isa sa limang mga suspek na responsable sa paggahasa sa Grade 10 student na si alyas Marie sa isang bayan sa lalawigan ng Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay alyas Jude sinabi nito na magkasama sila ng kanyang dalawang pinsan na nagbabantay sa pumping station.

Ayon kay “Jude” dakong alas-9:00 ng gabi nang nangyari ang paggahasa kung saan dumating na lasing ang kaibigan na si Cyril kasama ang dalawang babae na si alyas Marie at Cheche na mula sa birthday party.

Ngunit hindi pa rin nakontento ang mga ito at uminom muli ng dalawang bote ng alak.

Dahil sa sobra umanong kalasingan nina alyas Marie at Cheche ay hindi na nila ito kinaya.

Dito na umano pinahiga ng mga suspek ang dalawa ngunit si alyas Marie lamang ang pinahiga sa kama.

Aminado naman si “Jude” na hinalikan at hinawakan niya ang mga pribadong parte ng katawan ni “Marie” habang ito ay natutulog.

Samantala, nilinaw nito na wala naman may nangyaring penetration sa kanila ng dalagita.