Tiniyak ng Department of Health (DoH) na may available na gamot ang Department of Health (DoH) para sa mga karaniwang sakit ngayong medyo malamig ang temperatura dahil sa amihan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III sa naging pagdalo sa Senate session ukol sa paghimay ng 2019 budget, may mga gamot na magagamit sa mga health centers at government hospitals.
Gayunman, hindi umano nila ipinapayo ang pag-inom ng kung anu-anong gamot kung walang gabay ng doktor.
Pinakamainam pa rin aniya ay pagpapalakas ng immune system at pag-eehersisyo para hindi agad madapuan ng mga nauusong sakit.
Muli ring nilinaw ni Duque na walang outbreak ng malalang sakit ngayon, kundi karaniwang mga ubo at sipon lamang ang naitatala nila dahil sa panahon ng amihan.
BNN Noontime Edition | 02.15.2019
BNN Morning Edition | 02.15.2019
BNN EVENING EDITION | 02.14.2019
BNN NOONTIME EDITION | 02.14.2019
BNN Morning Edition | 02.14.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved