Humagod ng 28 points si Luka Doncic upang mabura ng Dallas Mavericks ang kanilang 15-point deficit sa nalalabing 10 minuto upang itala ang 102-101 panalo kontra Portland Trail Blazers.
Nagtapos namang may 24 points si Tim Hardaway upang makatulong sa Mavs, na mayroon nang 26-29 win-loss card.
Hindi naman nagbunga ang 30 points ni Damian Lillard kung saan 21 rito ay kanyang ipinasok sa huling bahagi ng third quarter.
Sa Atlanta, umiskor ng double-double na 19 points at 12 rebounds si All-Star Nikola Vucevic upang payukuin ng Orlando Magic ang Hawks, 124-108.
Sa ilan pang mga laro, naghari ang Sacramento Kings kontra sa kulelat na Phoenix Suns, 117-104.
BNN Morning Edition | 02.22.2019
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved