KALIBO, Aklan – Dumulog sa pulisya ang 77-anyos na lolo makaraang matuklasan na ang alagang aso na isang dachshund ay kinatay at ginawang pulutan ng kanilang kapitbahay sa Barangay Bubog, Numancia, Aklan.
Ayon kay Desiderio Isturis, ilang araw nang nawawala ang kanilang aso na kulay itim, tinatayang apat na taong gulang na pinangalanang “Madiqs”.
Nabili umano nila ang aso sa Maynila noong Pebrero 8, 2015 sa halagang P15,000 at kompleto sa bakuna batay sa kanilang pet health record.
Itinuturong suspek si Joemar Sorilla at iba pang mga kainuman nito.
Samantala, sinabi ni Dr. Ronald Lorenzo ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET-Aklan) na isang krimen ang pagkatay at pagkain sa mga aso batay sa inamyendahang Animal Welfare Act.
BNN Noontime Edition | 02.15.2019
BNN Morning Edition | 02.15.2019
BNN EVENING EDITION | 02.14.2019
BNN NOONTIME EDITION | 02.14.2019
BNN Morning Edition | 02.14.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved