Reading Time: 1 minute

Sinita ng komedyanteng si K Brosas ang mga netizens na patuloy ang pag-post at share ng litrato ng kanyang namayapang kaibigan na si Chokoleit noong nasa ospital pa ito, ilang minuto bago bawian ng buhay.

Hinala ni K ay isang nurse mula sa ospital ang kumuha ng litrato na iyon kung kaya’t bilang respeto umano s akanyang kaibigan ay nakiiusap itong burahin na lamang ang nasabing litrato.

Samantala, hinihintay pa rin daw ni K na magparamdam sa kanya ang kanyang kaibigan dahil miss na miss na niya ito.

Inamin din ng komedyante na sobrang napamahal na ito sa kanyang bagong alaga na pinangalanan niyang Chokie kahit hindi ito umano ito mahilig sa aso.

Iniabot ng kapatid ni Chokoleit sa kanya ang aso dahil pangako na raw ito sa kanya ng kaibigan bago pa ito mamatay.