Nasa state of trauma pa rin ang mga mamamayan ng Iran kaugnay ng magnitude 7.3 na lindol na tumama sa border nila ng Iraq kahapon.
Nabatid na nasa halos 200 na ang naitalang aftershocks kasunod ng lindol na isa umano sa mga pinakamatinding tumama ngayong taon.
Sa panig ng Iran kung saan 430 ang nasawi, tinapos na ang rescue operations at tinututukan na lamang ang mga survivor.
Gayunman, iniinda ng ilang survivors ang gutom at kakulangan ng mga tent sa gitna naman ng malamig na panahon partikular sa Kermanshah province.
“We are living in a tent and we don’t have enough food or water. You can hear children crying, it’s too cold. They are holding on to their parents to warm themselves – it’s pretty bad,” saad ni Ali Gulani, 42-anyos.
Nananatili namang siyam ang death toll sa Iraq habang daan-daan ang sugatan.
Samantala sa kanyang pagbisita sa earthquake-stricken area, tiniyak ni Iranian President Hassan Rouhani na gagamitin ang lahat ng kapangyarihan para maresolba ang trahedya sa lalong madaling panahon. (BBC/CNA)
BNN Evening Edition | 04.24.2018
BNN Noontime Edition | 04.24.2018
BNN Morning Edition | 04.24.2018
BNN Evening Edition | 04.23.2018
BNN Noontime Edition | 04.23.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved