Regional News

Pagbigti ng dating brgy. chairman sa Naga City, palaisipan sa pamilya

NAGA CITY - Matapos wakasan ni dating Punong Barangay Daniel Alambra Jr. ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti kagabi sa kanilang mismong tahanan sa Barangay Triangulo sa lungsod ng Naga, naging palaisipan naman sa kaniyang pamilya ang tunay ng dahilan nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa kasalukuyang barangay chairman ng lugar na si Raymund Arevalo, sinabi nito na nagpakamatay si Alambra sa hindi pa malamang dahilan.

Salaysay ni Arevalo, umalis umano ang maybahay ng biktima upang bumili ng ulam subalit pagkauwi nito ay tumambad sa kaniya ang nakabitin at walang buhay na katawan ng asawa.

Labis-labis ang pagdadalamhati ngayon ng naiwang pamilya ng dating kapitan habang palaisipan naman sa kaniyang dating mga kasamahan sa pulitika kung ano ang nag-udyok sa kaniya upang gawin ang naturang bagay.

Pagbibigay diin ni Arevalo na malapit ding kaibigan ni Alambra, masayahin at matapang na tao ang dating opisyal.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari upang mabatid kung may naganap na foul play.

 

Page 1 of 31440

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter