LEGAZPI CITY – Inaasahan ang pagdating ng ilang matataas na opisyal ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bicol upang talakayin ang pagpapatupad ng ibinabang Memorandum Order 32 na nagnanais na masugpo ang lawless violence at kriminalidad sa apat na lugar sa bansa kabilang na ang rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bicol Regional Peace and Order Council (RPOC) chairman at Legazpi City Mayor Noel Rosal, paborable sa rehiyon ang naturang kautusan lalao na sa ilang lugar na posibleng maikonsidera na election hotspots.
Dagdag pa nito na preventive measure lang ang hakbang para sa mga lugar na talamak ang kaguluhan at political rivalry ng mga pamilya kung saan pinunto ang lalawigan ng Masbate at Camarines Sur.
Kabilang sa mga inaasahang darating sa rehiyon sa Disyembre 17 si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Disyembre 18.
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved