Arestado ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO,SAF,PRO-4A at militar ang top ranking CPP leader na NDF consultant at isang kasamahan nito sa ikinasang operasyon sa Cavite.

Kinilala ni OIC PNP Chief, PDDGen. Archie Gamboa ang inarestong mga indibidwal na si Renante Gamara alyas Mike/ alyas Totoy at kasamahan nito na isang retiradong pari na si Arturo Joseph Balagat.

Sa nasabing operasyon nasabat sa safehouse ni Gamara ang dalawang hand grenades, pistol, mga electronic gadgets na naglalaman ng mga subersibong dokumento at impormasyon.

Kasong paglabag sa RA 10915 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013, RA 9516 Illegal Possession of Explosives and violation of the Omnibus Election Code ang inihahanda ngayon ng mga otoridad laban kay Gamara.

Habang si Fr. Balagat ay nananatili muna sa kustodiya ng RSOU,NCRPO para imbestigasyon.

Ang pagkakaaresto kay Gamara ay bunsod sa Joint JTF NCR at NCRPO campaign plan “Kalasag.”

Magugunita na si Gamara ay una ng naaresto nuong 2012 sa Las Pinas City dahil sa kasong kidnapping with murder at frustrated murder.

Kabilang din si Gamara sa 21 NDF temporaryong pinalaya dahil sa goodwill gesture ni Pang. Rodrigo Duterte na naglalayon para magtagumpay ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA NDF.

Pero ng tinuldukan ang peacetalks nuong 2016, pina aaresto muli ng pangulo ang mga ito, imbes na sumuko nagtago si Gamara.