Masigabong palakpakan at standing ovation naman ang natanggap ni 10-years old filipino contestant Eleana Gabunada mula sa mga audience at hurado ng Asia’s Got Talent.

Napabilib ni Eleana ang lahat sa kanyang sariling rendition ng kantang ‘Defying Gravity’ mula sa sikat na broadway musical na ‘Wicked’

Ayon sa mga hurado, malaki umano ang tsansa ni Eleana na makapasok sa Grand finals ng nasabing patimpalak.

balikan natin ang performance ni Eleana sa semi-finals

Samantala, nakakuha naman ng golden buzzer mula sa mga hurado ang isa pang pinoy contestant na si Philip Galit o mas kilala bilang Shadow Ace na dahilan upang makapasok ito sa grand finals.

Tumataginting na 5 million pesos umano ang maaaring iuwi ng mananalo sa nasabing patimpalak.

Umaasa naman ang iba pang pinoy contestants na sina Eleana at dance group Junior Good Vibes na makakapasok din ang mga ito sa finals.