Papahintulutan ng Commission on Elections (Comelec) na magtungo rin ang mga supporters ng mga naghahain ng certificates of candidacy (COC) sa labas ng Palacio del Gobernador.
Iginiit ni Comelec spokesman James Jimenez na hangga’t sa hindi naman daw naapektuhanang proseso ng filing ng COC, hindi raw nila ipagbabawal ang mga supporters na lumapit sa nasabing lugar.
Pero sa oras na maging “farce” o “disorderly” na raw ang sitwasyon, mapipilitan naman daw silang gumawa na ng nararapat na aksyon para rito.
Nauna nang hinimok ni Jimenez ang mga election aspirants na huwag gawing “circus” ang paghahain ng COCs.
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved