Pumanaw na ang co-founder ng sikat na clothing brand na si Gilberto Benetton sa edad 77.
Ayon sa Benetton group, nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Treviso, Italy dahil sa kaniyang sakit.
Kasama nito ang asawa na si Lalla at mga anak na si Barbara at Sabrina ganun din ang manugang na lalaki sa kaniyang huling sandali.
Noong Hulyo ay pumanaw na rin ang kapatid nitong si Carlo sa edad 74.
Ang kompaniyang Benetton ay itinaguyod ng magkapatid na sina Luciano, Carlo at Gilberto kasama ang kapatid na babae na si Giuliana.
Inilunsad ang kanilang produkto sa Ponzano Veneto sa Venice noong 1960.
Si Gilberto ay vice-president din ng Autogrill, isang Italian-based multinational food and drink company.
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved