ILOILO CITY – Patay ang isang barangay tanod matapos barilin at saksakin sa Brgy. Purog, Pototan, Iloilo.
Ang biktima ay kinilalang si Danny Peligrino, 38, habang ang suspek naman ay si Jonito Provido Soriano, 25, binata at pawang residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Senior Inspector Bonifacio Alabe, hepe ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na may ginanap na sayawan sa nasabing lugar kasabay ng kapiyestahan.
Nagkagirian ang bisita ng suspek na si alyas Oting Soriano at si Barangay Tanod Eden Peligrino na pinsan ng biktima.
Ayon kay Alabe, pumunta sa bahay ng biktima ang suspek kasama si Soriano upang alamin ang nangyaring gulo. Sa huli, napagkasunduan ng mga ito na pumunta na lang sa barangay hall upang malutas ang problema.
Habang naglalakad papuntang barangay hall, nagkasagutan ang suspek at biktima.
Dito ay binaril ng suspek ang barangay tanod sa dibdib gamit ang 12 gauge shot gun at nang hindi pa ito nakuntento ay kanyang sinaksak sa kamay.
Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang suspek na tumakas matapos ang krimen.
BNN Noontime Edition | 04.24.2018
BNN Morning Edition | 04.24.2018
BNN Evening Edition | 04.23.2018
BNN Noontime Edition | 04.23.2018
BNN Morning Edition | 04.23.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved